Miyerkules, Marso 25, 2015




           Rizal Park o Liwasang Rizal



                    Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng Maynila, Pilipinas. Dating tinatawag na Bagumbayan mula sa "bagong bayan" noong kapanuhan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong Disyembre, 30. 1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng Himagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometrong sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito sa intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita.



 Intramuros

                   Ang Intramuros, na matatagpuan sa timog ng Ilog Pasig, ay ipinatayo ng mga Hispano noong ika-16 na siglo at ang pinakamatandang distrito ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Ang pangalan na Intramuros ay nangangahulugang "nagsasanggalang na pader", na tumutukoy sa kuta o lungsod na napapalibutan ng pader. Noong kapanahunan ng mga Hispano, ang Intramuros ay ang mismong Maynila. Ito ay sinira ng mga Hapones sa dahilang ito ay ang pinakamagandang parte ng Maynila, muling inayos noong Hunyo 16, 1952.


Reaction:


                  Para sa akin ang pinakamahalagang kaganapang nangyari nung kami ay nag historical visit ay yung sama-sama naming pinuntahan at nilibot ang mga lugar na pinuntahan namin. Ang pinakamahalaga sa lahat ay yung naging masaya ang naging resulta nang ginawa namin, kahit na medyo umaambon nun at wala kaming dalang payong ay naging masaya pa din kami sa mga nangyari nung araw na yun. Aaminin ko, sobrang napagod ako nun, kasi talagang inikot namin yung buong intramuros at Luneta park nang lakad lang ginawa at hindi sumakay nang kahit anong sasakyan.

                 Nung araw na yun medyo kinakabahan ako, kasi wala ni isa sa amin ang nakakaalam kung saan ba talaga yung tamang daan na dapat naming daanan. Tapos hindi pa kami ganoong pamilyar sa kapital ng Pilipinas. Kung kaya't wala kaming ibang ginawa kundi magtanong sa mga guards na nakikita namin.

                 Pinakita ko lang kung ano yung totoong ako. Babaeng di ganoong mahinhin, masayahin at di nang iiwan. Inaamin ko, nagrereklamo din ako nun, kasi ang layo na nang nararating namin tapos paikot-ikot lang naman pala kami. Pero sa pangkalahatan, mas pinakita ko yung pagiging masayahin kong ugali.

                Sa ngayon, natatawa ako sa mga nangyari sa amin ng mga kaklase ko lalo na nung umalis kami ng Luneta tapos bumalik lang din kami ng Luneta. Namangha, lalo na nung nakita ko yung mga lumang istraktura sa may Intramuros.Dapat papasok kami ng Balluarte San Diego kaso mayroon siyang entrance fee na 50 pesos, wala na kaming pera kaya pumunta nalang kami doon sa may gilid nun kung saan tanaw yung golf field.

                Natutunan kong mas pahalagahan pa yung mga historical sites, kasi siguro nakita ko yung tunay na kagandahan ng mga istrakturang ito. Bilang isang estudyante, para sakin, iminumungkahi ko sa iba pang kapwa kong estudyante ang pagdalaw sa mga historical sites na ito kagaya ng sa Intramuros at sa Luneta Park.

 -- Princess Sharmaine Flores 



         Ang pinakamahalagang karanasan sa aking pagbisita sa mga makasaysayang lugar ay maramdaman ang kasiyahan habang ipinagmamalaki ang naging kasaysayan sa lugar o pook ng aking binisita. Ito ay aking binisita kasama ko ang aking mga kaibigan. Kaya't hindi maiiwasan ang harutan ngunit hindi lamang ang kasiyahan ang aming inintindi. Hindi namin dinala ang aming ugaling bahay sa pagbisita sa mga pook dahil maaaring maging kahihiyan ito sa aming paaralan.

          Gaya ng aking sinabi, ako'y nakaramdam ng kasiyahan at pagmamalaki sa bansa kahit iilan lang ang aming nabisitang pook at kahit iilan na lamang ang nakakaunawa sa mga naging kasaysayan sa bawat lugar o pook natin dito sa bansa.


          May mga patakaran din sa mga pook na aking dinayo. Tulad sa Luneta na mayroong kay gaganda't kay babangong bulaklak na kay sarap iuwi ngunit isa sa mga patakaran doon na bawal itong pitasin, kung hindi ay magmumulta ka ng malaking halaga. Sa Intramuros, mayroong napakaganda't napakalaking simbahan na tinatawag na Manila Cathedral. Bago kami pumunta roon ay sobrang init ng panahon kaya't ako ay nag suot ng sumbrero. Nang kami ay malapit na sa simbahan ay nagmadali na kaming pumasok sa loob. Nang ako ay biglang sinita ng isa  sa mga nagbabantay sa simbahan dahil sa aking suot na sumbrero at bigla kong naisip na bawal pala iyon sa loob ng simbahan kaya't agad-agad ko itong tinaggal at humingi ng paumanhin.

            Ngayon, Mayroon na akong sapat na kaalaman tungkol sa kasaysayan ng aking mga dinayong pook. Na maaari kong dalhin sa aking pagtanda upang hindi makalimot sa aking bansang sinilangan na maaaring maikwento ko rin sa mga susunod pang henerasyon.

             Bilang isang mag-aaral, ang aking natutunan sa pagbisita sa mga makasaysayang lugar ay una sa lahat ang pagmamahal sa ating bansa. Pagrespeto rin sa mga makasaysayang lugar at bayani na hindi maaaring malimot ng mga Pilipino. At bilang isang Pilipino sisikapin ko na maging isang magandang halimbawa para sa mga susunod pang mga henerasyon.

 -- Jeffrey Hermoso 



        Paglalakbay, isang salita na i-isa din ang kahulugan ngunit sa isang salitang ito marami ka ng bagay na pwedeng gawin at ipagmalaki. Ang salitang nakakapagbigay sa atin ng mababaw na kaligayahan ngunit nag-uumapaw na kasiyahan.

          Sa aking unang taon sa kolehiyo sa Quezon City Polytechnic University umasa ako na magkakaroon kami ng "tour" pero nagkamali ako ayan kasi umasa nanaman ako, pero malaking ang pasasalamat ko sa isa sa mga asignatura ko, ang Philippine History sapagkat nabigyan kami ng pagkakataong makapaglakbay, hindi man iyon magarbo na matutulog sa hotel ang mahalaga mapupuntahan namin ang mga makasaysayang pook dito sa Pilipinas, ang mga pook kung saan naganap ang mga makasaysayang pangyayari na iyong iba ay naging dahilan ng paglaya ng ating bansa na tinatawag na Bayang Pilipinas.

         Sa aking paglalakbay una kong pinuntahan ay ang Rizal Park na mas kilala sa tawag na Luneta Park o colloquially Luneta, ito ay matatagpuan sa Roxas Boulevard, Manila City. Ang lugar na ito ay napaka-makasaysayan, sapagkat ito ang pinakasentro o pinakasikat na pasyalan noong panahon ng mga Kastila na kung tawagin noon ay Bagumbayan. Sa taong 1823 hangang 1897, dito ginaganap ang mga makahindik-hindik na pagpatay sa ating mga kababayan, isa na doon ang tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora. At noong araw ng Disyembre 30, 1896 ay ang pinaka hindi malilimutang pangyayari dahil ito ang araw kung kailan binaril si Dr. Jose Rizal na kung saan ang kanyang dugo ang siyang naging pataba sa pagnanasa ng mga Pilipino para sa kalayaan.
     At sa pangatlo kong pagkakataon na pagpunta roon, humanga ulit ako sapagkat napakalinis pa rin nito at marami talagang namamasyal dito, kahit mga taga ibang bansa ay naiinganyo na pasyahan at kuhanan ang kanyang monumento.

          Ang pangalawang makasaysayang pook na pinuntahan ko ay ang Intramuroskung saan matatagpuan ang Manila Cathedral. Ang Intramuros ay matatagpuan sa Manila, ito'y kuta noon ng mga Espanyol na napapalibutan ng pader, ang kuta nilang ito ay binomba ng mga Hapones sapagkat ito ang pinamagandang parete ng Maynila ngunit muli ito inayos noong Hunyo 16, 1952. Ang Intramuros ay pinagawa ng mga Espanyol noong ika-16 na siglo. 

       Sa loob ng Intramuros ay ang Manila Cathedral kung saan ito ay isa sa mga unang simbahan na pinatayo ng panahon na dumating si Magelan sa Pilipinas. 
Sa panahon na iyon ay nagsisimula palang lumaganap ang Kristianismo sa Pilipinas. 

         Sa aking paglalakbay ang pinaka-importanteng kaganapan ay ang pangarap ko na makapasok sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas at ito'y nagbigay saakin ng kasiyahan. Habang ginagawa ko ang aktibidad na ito, iniisip ko kung ano ang pwede kong ibahagi na karanasan sa nanay ko, at kung anong pakiramdam na napuntahan ko din ang lugar na ito pero syempre dapat tahimik ka lamang sa mga ganitong lugar, lalo na at ito'y sagrado. Ang mga ganitong paglalakbay ay napakamahalaga para sa akin hindi lang bilang istudyante kundi bilang Pilipino, sapagkat ako ay isa din sa mga nagmamalaki ng mga lugar na ito at dapat lang sapagkat ako ay isang tunay na Pilipino.

                                 -- Ma. Rocyl Caranza 




Photostory/Documentation:











Ang mga larawang ito ay kuha mula sa Rizal Park.







Mga litrato naming kuha mula sa labas. Kung saan matatanaw natin ang kabuuang anyo nito.








 Mga kuha namin sa loob ng Manila Cathedral.










Ang magagandang itsura ng Manila Cathedral, ito ay ang mga kwarto at bahagi ng simbahan.







Ilang mga groufie's mula sa labas ng Manila Cathedral.






Habang kami ay naglalakad papunta at paalis ng Manila Cathedral/ Habang papunta kami ay nakita naman ang malaking gusaling iyan sa pinakababang larawan. Nang umalis na kami sa Manila Cathedral ay nag aya silang kumain ng mangga.











Mga larawan namin nung kami ay malapit sa Baluarte San Diego. Kung saan matatanawa ang Golf field.



"A journey is best measured in friends rathet than miles"

\

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento